Sa Mga Setting › Access sa API, makakagawa ka ng mga personal access token para magamit ng isang script o MCP client ang Dvina bilang ikaw. Dito rin nagdaragdag ang mga admin ng mga webhook para ipadala ang mga event ng Livespace sa sarili nilang mga system.
Kasama sa Enterprise plan ang Access sa API. Bawat miyembro ay puwedeng gumawa ng sarili nilang mga token; mga may-ari at admin lang ang nakakakita ng Mga Webhook.
Gumawa ng token
- Buksan ang Mga Setting at piliin ang Access sa API.
- Sa ilalim ng Mga Personal Access Token, piliin ang Gumawa ng Token.
- Maglagay ng Pangalan para matukoy mo sa ibang pagkakataon kung ano ang gumagamit nito.
- Piliin ang Access: Pagbasa lang o Pagbasa at pagsulat.
- Piliin kung kailan ito Mag-e-expire: Pagkalipas ng 30 araw, Pagkalipas ng 90 araw, Pagkalipas ng 365 araw o Hindi kailanman mag-e-expire.
- Piliin ang Gumawa ng Token.
- Sa ilalim ng Kopyahin ang Iyong Token, kopyahin ang token at itago ito sa isang ligtas na lugar. Dito lang ito ipapakita.
Gumagana ang token bilang ikaw, sa Livespace kung saan mo ito ginawa, gamit ang kasalukuyan mong tungkulin doon. Ang token na may access na Pagbasa lang ay puwedeng magbasa pero hindi puwedeng magdagdag o magbago ng anuman.
Para gumamit ng token sa isang MCP client, tingnan ang Kumonekta gamit ang API key sa halip na OAuth.
Suriin, palitan o bawiin ang token
Nakalista ang iyong mga token sa ilalim ng Mga Personal Access Token, kasama ang access ng mga ito. Pumili ng isa para makita kung saan ito Nagsisimula, ang Access nito, kung kailan ito Huling Ginamit at kung kailan ito Mag-e-expire.
- Para palitan ang token, piliin ang Palitan…, pagkatapos ay Palitan para kumpirmahin. Papalitan ito ng bagong token, at agad na titigil sa paggana ang luma. Kopyahin ang bagong token sa ilalim ng Kopyahin ang Iyong Token.
- Para ihinto ang token, piliin ang Bawiin…, pagkatapos ay Bawiin para kumpirmahin. Agad na titigil sa paggana ang anumang gumagamit nito.
Itinatala sa audit log ang paggawa, pagpapalit at pagbawi ng token.
Magdagdag ng webhook
Ipinapadala ng webhook sa address na pinili mo ang mga event ng Livespace—ang parehong mga tala na nasa audit log.
- Sa Mga Setting › Access sa API, sa ilalim ng Mga Webhook, piliin ang Magdagdag ng Webhook.
- Maglagay ng Pangalan at URL. Gumamit ng pampublikong HTTPS URL.
- Sa ilalim ng Mga Event, iwan itong blangko para sa lahat ng event, o ilista ang mga aksyon at saklaw, tulad ng
member.addedosharing.*. - Piliin ang Idagdag.
- Sa ilalim ng Kopyahin ang Signing Secret, kopyahin ang secret. Dito lang ito ipapakita.
Kung sabihin ng Dvina na Hindi maabot ng Dvina ang address na ito, gumamit ng pampublikong HTTPS URL.
Suriin ang signature ng bawat request
Ipinapadala ng Dvina ang mga event nang magkakabatch, bilang JSON, at nilalagdaan ang bawat request. Gamitin ang signing secret para suriin kung galing sa Dvina ang isang request:
- Bawat request ay may
X-Dvina-Signatureheader na tulad ngt=<timestamp>,v1=<signature>. - Ang signature ay isang HMAC-SHA256 sa hex, na binubuo mula sa timestamp, isang tuldok, at ang request body, gamit ang iyong signing secret.
- Kalkulahin ito mismo at ihambing. Tanggihan ang request kung hindi tugma ang signature nito o kung masyado nang luma ang timestamp nito.
Suriin o baguhin ang isang webhook
Nakalista ang iyong mga webhook sa ilalim ng Mga webhook, kasama ang kanilang status: Naka-on, Naka-pause o Pumapalya. Pumili ng isa para makita ang mga detalye nito.
- Para baguhin ito, i-edit ang Pangalan, URL o Mga event nito, pagkatapos ay piliin ang I-save.
- Para i-pause ito, i-off ang Magpadala ng mga event. I-on itong muli para magpatuloy sa pagpapadala.
- Para tingnan kung gumagana ito, suriin ang Status nito at kung ilang event ang Naipadala. Ipinapakita ng pumapalyang webhook ang Huling error nito. Patuloy na sumusubok ang Dvina at itinatala ang pagkabigo sa audit log.
- Para baguhin ang signing secret nito, piliin ang Bagong signing secret…, pagkatapos ay kumpirmahin. Agad na ginagamit ang bagong secret sa paglagda sa mga request, kaya i-update kaagad ang tumatanggap ng mga ito.
- Para alisin ito, piliin ang Tanggalin…, pagkatapos ay Tanggalin para kumpirmahin. Wala nang ipapadala rito.